Tuesday, March 18, 2008

Bakit Mahilig Uminom Ang Mga Kabataan?

Introduksyon:
Ang pag inom ng alak. Isang napaka-karaniwang karanasan para isang pilipino. Mapababae o lalake, bata o matanda, halos lahat yata ng pilipino ay umiinom ng alcohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tamang bang ang alak ay nakaka bawas o problema? At bat nga ba ang hilig uminom ng mga Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom ng alchohol? Anu nga mas naidudulot nito masama o maganda? Anu nga ba nag tutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon ata lagi perfect attendance ang alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Mga Pilipino talaga hindi mapakali ng walang ginagawa. Yan tuloy naging hobby na ng halos lahat ng Pilipino ang uminom. Isa pa kahit na hindi masarap ang lasa ng alak ay mahilig pa rin tayo dito. Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang all time partner ng alak at ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili para madagdagan ang kaalaman namin tungkol sa bagay na ito, kasi kami mismo ay ginagawa ito. Isa pa para mabigyan linaw namin ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinon ng alcohol. Mayroon na kaming onti kaalaaman tungkol dito, ngunit sa tingin namin kulang pa ito, marami pang bagay ang gusto namin malaman tungkol sa pag inom.
Rebyu o Pag-aaral:
Abnormal Psycholgy
Ann M. Kring
Gerald C. Davison
John M. Neale
Sheri L. Johnson

Prevalence of Alcohol Abuse
The prevalence of alcohol abuse and dependence in the United States varies according to such factors as gender, age, region, ethnicity, and education level.
In a recent U.S. epidemiological study, lifetime prevalence rates for alcohol dependence defined by DSM criteria were greater than 25 percent, and a lifetime prevalence rates for alcohol abuse were over 13 percent. In the 2001-2002 National Epidemiologic Survey on Alcohol and Related Conditions, 8.5 percent of Americans met DSM-IV-TR criteria for either current alcohol abuse or alcohol dependence. Rates of alcohol dependence among young women are approaching those of men, although it is still more prevalent among men. The prevalence of alcohol dependence declines for both men and women with advancing age, both because of early death among long-term abusers and because many manage to stop drinking.
Alcohol use is especially frequent among college-aged adults. This is true for binge drinking, defined as having five drinks in a short period of time (e.g., within an hour), and heavy use drinking, defined as having five drinks on the same occasion five or more times in a 30 day period. Among both male and female college students, binge and heavy use prevalence rates were 43.5 and 17.6 percent, respectively. Binge drinking even occurs with high frequency among high school students. In a recent survey, for example, 30 percent of twelfth graders reported binging in the previous two weeks. Generally speaking, the prevalence of binge drinking is highest among individuals aged 18 to 25, with a peak prevalence at age 21.

Short-Term Effects of Alcohol
How does alcohol produce its short-term effects? After being swallowed and reaching the stomach, alcohol begins to be metabolized by enzymes. Most of it goes into the small intestine and from there is absorbed into the blood. It is then broken down, primarily in the liver, which can metabolize about one ounce of 100-proof (50 percent alcohol) liquor per hour. Quantities in excess of this amount remain in the bloodstream. Whereas absorption of alcohol can be very rapid, removal is always slow.

Long-Term Effects of Alcohol
Chronic drinking not only causes psychological deterioration but also has severe deleterious effects on the body. Almost every tissue and organ of the body is adversely affected by prolonged consumption of alcohol. For example, alcohol provides calories—a pint of 80-proof spirits supplies about half a day’s caloric requirements—so heavy drinkers often reduce their intake of food. But the calories provided by alcohol are empty; they do not supply the nutrients essential for health, and the result can be severe malnutrition. Alcohol also contributes directly to malnutrition by impairing the digestion of food and absorption of vitamins. In older chronic alcohol abusers, a deficiency of B-complex vitamins can cause amnestic syndrome, a severe loss of memory for both recent and long-past events. These memory gaps are often filled in by reporting imaginary events (confabulation).

Etiology of Substance-Related Disorders
In considering the causes of substance-related disorders, we must recognize that becoming substance dependent is generally a developmental process. The person must first have a positive attitude toward the substance, then begin to experiment with using it, then begin using it regularly, then use it heavily, and finally abuse or become dependent on it. The general idea is that after prolonged heavy use some people become ensnared by the biological effects of tolerance and withdrawal.

Expectancies about Alcohol and Drug Effects
If it is true that alcohol does not reduce stress when consumed after the fact, why do so many people who drink believe that it helps them unwind? Expectation may play a role here—that is, people may use alcohol after stress not because it actually reduces tension but because they expect it to do so. In support of this idea, studies have shown that people who expect alcohol to reduce stress and anxiety are those likely to be frequent users. Furthermore, the level of drinking and positive expectancies about alcohol appear to influence each other. The expectation that drinking will reduce anxiety increases drinking, which in turn makes the positive expectancies even stronger.

Layunin:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayun na ipaalam sa mga mambabasa ang iba’t ibang dahilan kung bakit napakaraming kabataan sa panahon ngayon ang nalulong sa pag-inom ng beer at alak. Ang pananaliksik ding ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano sosolusyonan ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga kabataan. Sa pananaliksik ding ito nais naming ipahayag an gaming pagaalala bilang isang estudyante sa kolehiyo sa kadahilang maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong sa beer at alak ng kabataan ngayon lalo na ng estudyante sa kolehiyo.

Halaga:

Ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nitoang lumalalang kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer at alak. Ang mga estudyante ng kolehiyo ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay mas lalong nalulong sa paginom dahil sa madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na dahilan ang problema sa pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang pageendorso ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telibisyon.

Konseptwal na Balangkas:
I. Kapag may okasyon
A. Puro lalaki lamang
1. Nagiging sanhi ng away
a. Aksidente
b. Away
2. Delikado sa kalusugan
c. Sakit
d. Karamdaman
B. May mga kasamang babae
1. Naaapektuhan ang kalusugan
2. May mga nangyayaring bawal
II. Kapag may problema
A. Naglalasing
1. Nawawala sa sarili
2. Aksidente
3. Sakit
III. Bisyo
A. Madalas na pag-inom
1. Sanhi ng sakit
2. Nasasanay ang katawan
3. Aksidente

Makikita sa balangkas ang tatlong dahilan kung bakit maraming nahihilig sa pag-inom ng alak. May mga taong umiinom lamang kapag may okasyon. Minsan ang sobrang kalasingan ay nagdudulot ng away o di kaya ay magiging delikado ito sa kanilang kalusugan. Mas delikado kapag may mga kasamang babae. May mga milagrong nangyayari. May nabubuntis dahil wala silang malay na sila ay may ginagawa nang kakaiba. Ang isa pang dahilan ay kapag may problema ang isang tao. Lalo na kung iniisip niya na makakatulong sa kanya ang pag-inom ng alak. Nagiging sanhi rin ito ng pagkawala sa sarili, aksidente, o sakit. Ang pangatlo ay ang bisyo. May mga tao na talagang nakaugalian na nila ang uminom ng alak ng madalas. Na nagdudulot rin ng sakit at mga aksidente dahil sa sila ay mawawala sa sarili sa sobrang pagkalasing.

Metodolohiya:
Ang metodolohiya na amin ginamit sa pag gawa ng amin blog ay sa pamamagitan ng pag-kuwa ng mga impormasyon na nabasa namin sa libro. At pag gamit ng amin mga sariling karanasan, dahil bilang isang kabataan ay naranasan din namin ang uminom ng alak. Sinuri namin ang amin mga sarili at nag palitan kami ng mga opinon at ideya.

Saklaw/Delimitasyon:
Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga klasipikasyon ng mga umiinom ng alak. Mga dahilan kung bakit nahihilig ang mga kabataan ngayon sa pag-inom ng alak at ang nagiging epekto ng pag inom sakanila. At mga paraan kung pano ito maiwasan.


Daloy ng Pag-aaral:

Pag inom ng alak
\/
Pag inom ng alak ng mga Pilipino.
\/
Pag inum ng alak ng mga matatanda - Pag inom ng mga kabataan


Panimula, Katawan, Konklusyon:
Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Nagiging bisyo ito para sa karamihan. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba't iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila. Kaya't nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom nito. Marami ring nagiging epekto ng pag-inom nito. At napakaraming naaapektuhan. Isa itong lason na sumisira sa buhay ng maraming kabataan.
Maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. At dahil sila ay hindi pa gaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung pano hawakan ang ganitong bagay. Madalas ito sa mga estudyante sa kolehiyo. May mga umiinom ng limang beses sa loob ng ilang oras na tinatawag na binge drinking ngunit may iba rin na halos tatlumpung beses na uminom sa loob lamang ng isang araw na tinatawag na heavy use drinking. Ito ay karaniwan sa mga kabataan mula labingwalo hanggang dalawampu't limang taong gulang. Isa pang bagay ay nagagaya ang mga kabataan sa pag-inom ng alak dahil sa kanilang mga magulang. Tuwing nakikita nila ito na umiinom. At bukod pa rito ay nagkalat ang mga alak sa mga supermarkets at grocery stores. Maraming menor de edad ang nakakabili dahil hindi na sila hinihingan ng ID tuwing sila ay bibili. Maliban na lamang kung ang bibilin na alak ay talagang hard drink. Pero kung sa mga sari-sari store, kahit ang mga batang puslit ay makakabili ng alak. Isa pa sa mga dahilan ay mahina ang emotional support ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya't nababaling ang kanilang atensyon sa alak. Kasama na rin ang peer pressure. Kung ang mga kabarkada ng isang kabataan ay mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawa siya sa kanila at magiging tomador na rin. May parte rin ang media. Ang alak ay palaging inuugnay sa mga babaeng nakasuot ng bikini, lalakeng malalaki ang katawan at mga masasayang oras. Nadadala sila sa mga babaeng nakasuot ng bikini na nagmomodelo ng alak dahil karamihan sa mga umiinom ay mga lalaki. Kaya't sila ay nahuhumaling sa katawan ng isang magandang babae. At iniisip nila na kung bibili sila ng alak na iyon ay makakakuha sila ng babae na nakikita nila. Akala rin nila na magmumukha silang lalakeng lalake kung sila ay iinom ng ganoong alak. Para mukha silang kaaya-aya sa mga babae. Akala rin nila na magiging masaya sila pag sila ay uminom ng alak dahil pinapakita ng media na lahat ng mga taong umiinom ng alak ay masasaya. Nagiging ugali na rin ito ng mga kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay iinom. Iyan ang karaniwan na dahilan kung bakit napakaraming lasinggerong kabataan ngayon.
At ang bawat isang dahilan ay may napakaraming epekto. Maliit man o malaki. Kaunti man o madami ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal nang hindi nila namamalayan. May mga nakakabuntis dahil minsan ay may mga okasyon na may mga kasamang babae na umiinom ng alak.
Mayroon rin na nakakapatay dahil hindi na nila makontrol ang kanilang sarili. Nadadala sila ng kalasingan kaya hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Nangyayari rin ang mga sex scandal dahil dito. Sa sobrang pagkalasing ay hindi nila alam na sila ay ginagawan na ng isang iskandalo.
Kaya't maraming buhay ang nasisira nang dahil sa alak. Higit sa lahat, masama ito sa kalusugan. Iba't ibang sakit ang nakukuha mula sa pag-inom ng alak. Katulad ng allergy, kidney cancer, liver cancer at marami pang iba. Nasisira ang ating katawan dahil sa alchohol. Maraming sakit ang galing sa pag-inom ng alak. At sobrang nakakalaki ng tiyan ito. Tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom ng alak ang mga kabataan dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan ito kahit pansamantala lamang. Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit dindi nila alam na imbis na mabawasan ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Kaya't nagiging bisyo nila ang pag-inom. Yung tipong hindi lumalagpas ang isang araw nang hindi sila tumutungga ng bote ng alak. Marami pang dahilan at epekto ang pag-inom ng alak. Ito ay mga karaniwan lamang. Mga kadalasang nangyayari kapag may mga nalalasing.
Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat na kaalaman tungkol sa pag-iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pag-iinom. Kayang mabuhay ng walang alak. Oo nga. Maganda ito sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring uminom pero dapat ay magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag dumating ang araw na magbabayad tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak. Dapat ay gumawa ng aksiyon ang gobyerno tungkol sa pagbebenta ng mga alak. Dapat ay magkaroon ng mga age limit sa mga bumibili ng alak. Humingi ng ID kung kailangan. Para masiguro ang seguridad ng mga iinom ng alak. Dahil karamihan sa mga pinagmulan ng krimen ay ang kalasingan. Kaya't dapat na pigilan ang sanhi upang hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga problema na dapat lutasin ng mga pilipino. Para magsimula na ang pagasenso at hindi nakatengga lamang at walang ginagawa kundi uminom ng alak. Kung magsisipag lamang at titigilan ang pag-inom ng alak ay siguradong gaganda ang mundo. Mababawasan ang mga lasing at mga adik. Magiging mas ligtas ang kapaligiran. Kaya't dapat na simulan ang pagbabago para mapaganda ang ating mundo. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga naman sa kasabihan, "Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan."
Ipinasa kay: Prof. Beverly Siy
Ipinasa nila:
Peter Albert V. Santos
Shun Toyokawa
Jerom Deang
Axcel Ramos

1 comment:

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/